Life In Circles




Hmmmm and i did look around!


hills have it too

hills have it too


Reminds me of her. I want to kiss her, hug her tight and give it all all night… but shes too busy… with her work, with her friends maybe its her world  not mine. Maybe I should look around… and party too.

Reminds me of her. I want to kiss her, hug her tight and give it all all night… but shes too busy… with her work, with her friends maybe its her world  not mine. Maybe I should look around… and party too.



Hmm this does not remind me of her. But I miss her anyway. But if she forgets - I can turn 360 degrees.


“you must not let anyone define your limits because of where you come from. your only limit is your soul.”

- ratatouille


Sa Pusod Ng Bundok Peninsula

Masakit tanggapin ang nangyari, nanlaki ang ulo ko at nagsikip ang dibdib ko… Bakit… bakit ikaw pa?
Ang mga ngiti mo’y nakakaalis ng pagod tuloy halakhak na parang walang kasing-saya. Nakakahawa nakakalimot ng problema. Parang kailan lang yun, kahapon, kamakalawa… Baon kong pandesal nagsalo tayo sa gilid ng basement nina Charo. Hindi tayo sumalo sa hapunan ng mga konyo, nagtago at naghagikgikan pagkat hinahanap nila tayo. Sabi mo pa ang galing, may sinehan sa ilalim ng bahay… tapos nang gabi na, tayo lang ang naglakad pauwi dahil anak pawis lamang tayo… Tapos nun nawala ka na… hindi na kita nakita, nawalan na ako ng kaibigan at kasama. Totoong nalungkot ako nun… Totoong hinanap kita pagkat wala akong kakampi at wala na akong kasalo sa baon kong pandesal. Hindi nagtagal hatid sundo na ako ng mga Konyo, tinitreat na ako ng mga Chengwa… wala akong magawa kundi makisama, hindi ako makatanggi at makatutol sa mga anak ng Kapitalista… Naalala ko nun bulong mo sa akin na makipaglaro lang ako… naalala ko bulong mo sa akin na magpalakas ka lang at bumangon sa tamang panahon… Tulad mo… Pero bumangon ka nga ba sa tamang panahon? Ang totoo’y nawala ka’t naiwan mo ang mga pangarap ng mga magulang mo at kapatid. Kung alam mo lang kung paano nadurog ang puso ko nang umiyak ang iyong Ina at sinabi sa amin na dinukot ka ng Militar… Kung alam mo lang kung paano namin dingasan ang gatong sa dilim ng Palma Hall na may paghihimagsik sa bawat kalooban. Tapos ay bumitaw na ako sa lahat. Pumailanlang sa sistemang tutol na tutol ka… Ano ang magagawa ko ibig ko lamang maipinta sa kaisipan ng lahat ang ating pakikipagbaka. Na unti-unting makakagising sa kaisipan ng masa… Unti-unting magpapabangon sa mapayapang pakikipagbaka… Nang lumutang kang muli’t nakipagkita sa akin ang sabi mo’y walang ibang paraan kundi ang madugong pakikipagbaka. Lumuha ka pagkat pinaalala ko ang iyong Ina. Lumuluha ka rin pala. Akala ko’y sinemento na ng baril, bala at pulbura ang puso mo. Yumakap ka sa akin at ang sabi mo’y Paalam, matunog na paalam. Tapos nun ay nilimot na kita, Nalimot ko na ang lahat. Kanina nag Buzz si Maolin sa YM ko. Ang sabi niya ay may nangyari sa Nanay ko. Pinipigil kong lumuha ngunit hindi ko magawa. Pinanood ko ang libing mo mula sa Laptop ni Mao, nakipagsabayan ka raw sa Patrol ng Militar - naging magiting ka raw, isang bayani… ang sabi ko kay Maolin paano ka na? Ang sagot niya’y ipagpapatuloy ko ang laban.

Kaninong Laban? Hindi na siya muling sumagot. OMG! Anong laban pa ba ang meron? Anong laban pa ba?

Tuwing kakain ako ng Pandesal, naaalala ko na nagtago tayo sa gilid ng basement nina Charo… Natatawa ako… naluluha ako na natatawa… kinakapkapan mo pa ang bulsa ko baka may naitatago pa akong tinapay… Buhay na buhay ka pa rin para sa akin. Buhay na buhay ka pa rin sa mga alaala ko… Rio Luna. (Fiction po ito na mula sa karanasan ko sa totoong buhay. Balak kong gawing script for Tv or Film. Kailan kaya?)


What’s On My Mind Today…

FaceBook ano pa. Kasi nakakatuwa, imagine as we go along our journey nagkikita-kita tayo sa isang page sa cyber space. doon we share our thoughts, our feelings if we are happy or sad. we share our joy and laughters sometimes we share our tears. Kakatuwa ano. Among distant acquaintances, becomes friends indeed. Ang mga magkakaibigan at magkakamag anak na matagal nang di man lang Nagkikita at nag uusap ay nagkaroon ng pagkakataong makipagkamustahan, palitan ng pictures at balita.

Natatawa nga ako every morning as i walk home from Malvar Street in Malate to our house in Tondo (yap squatter po kami), kapag naiisip ko ang mga sari-saring obserbasyon ko sa Facebook. Lalo na sa FarmTown; a game within our virtual community, naobserbahan ko, yes they are all virtual except sa taong nagma-may-ari ng Avatar. Totoong lahat ay virtual ngunit ang pag-uugali ng may hawak ng mouse sa harap ng kanyang sariling Pc monitor ay tunay. Lalabas at lalabas din ang tunay na pag uugali ng taong yun - kahit naka-avatar pa siya ng maganda at maamo. Maoobserbahan mo kung USER o Manggagamit lang O tunay na mabait; kasi hinahanap ka pa niya para magharvest ka at magka Coins at magkaroon ng mataas na Experience point o XP. Plain Greedy; as always panay ang PM sa iyo ng pa-Harvest ngunit di ka man lang ma-PM para magharvest sa kaniya. Impulsive buyer - Laging walang Coins kasi bili- ng bili LOL!

Walang sing-ligaya ng mga GAYS dahil doon sa FarmTown, Farmvile or any games pa that uses an Avatar kasi - nakakapagbihis Babae sila as in Virtually ay makikilala sila at matatanggap na gayon na nga Girlash as in mayumi at sosyalera. Ganun din naman sa mga Dykes. LOL! sa Farmtown - May Ligawan din. Farmwife at Farmhusband ang tawagan. they usually pickup their pair sa INN ng Market place. Doon sa INN, they make ligaw there. sometimes in groups. The moment na magkasundo na sila they will both delete their Farmbuddies except yung sa magiging partner nila. Tapos mauuwi na sa eye ball. Pero Matalino yata ako sa kanila… I’ll make them message me - lilitaw sa notifier… I’ll click the name then mapupunta ako sa Facebook page. BULAGA! Makikita ko na ang Lola ko.

Back to Facebook Wall - Meron doon na Publicty King and Queen, Drama King and Queen - nag-iinarte King and Queen mga frustrated yatang mag artista. I’m just controlling my laughter kasi baka akala ng mga nakakasalubong ko ay nasisira na ang ulo ko. Pero its Fun to be a member of this one of a kind Virtual Community Page. Kakatuwa - ngunit minsan ay nakakadala lalo na’t aabusuhin ng isang Monopolizer ang iyong pagmamahal at pagtitiwala. And Lastly The Stalker (at Chizzmakker)… laging tingin ng tingin sa Profile mo, Photos - Uyy naghahanap ng intriga (Hayy Friends na sila?) iniisa-isa mga friends mo para sinohin at i-add hahaha. At alamin ang nangyayari sa status mo at kung sinu-sino ang mga kinakausap mo… Waaa… Indeed all are happening Virtually in Cyberdom and yes indeed true people are behind that little thingy sometimes tailless mouse. Me and my Facebook friends? We love to share Ideas, Music, Laughter and Brotherly Love. Yes sometimes we shed tears together even though we are far apart from each other. Ikaw what can you share?



suicideblonde:

MariaCarla Boscono photographed by Juergen Teller for Paradis Magazine



suicideblonde:

bohemea:

Marilyn Monroe


12
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close